Dapat ipaliwanag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung seryoso ang pahayag niya na tuluyan nang putulin ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Ayon kay dating Congressman at dating Ambassador Apolinario Lozada Jr., mahalagang maipaliwanag ito ng Pangulo dahil napakalalim ng implikasyon ng kanyang pahayag bukod pa sa ginawa nIya ang pahayag sa China.
Mahalaga anya ang paliwanag sa pahayag ng Pangulo dahil bukod sa relasyong pampulitika, halos lahat ng kabuhayan ng Pilipinas ay nakasandal sa Amerika.
Bahagi ng pahayag ni former Congressman and Ambassador Apolinario Lozada
Nagpahayag rin ng pangamba si Lozada sa tila pinatutunguhan ng pagkiling ng Pangulong Duterte sa mga sosyalistang bansa tulad ng China at Russia.
Una nang sinabi ng Pangulo na magsasanib puwersa ang Pilipinas, China at Russia laban sa mundo.
Bahagi ng pahayag ni former Congressman and Ambassador Apolinario Lozada
Una rito ay pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Inihayag ito ng Pangulo sa harap ng mga opisyal at negosyante ng China kaalinsabay ng ginawang Philippines – China Trade and Investment Forum
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sinabi ng Pangulo, kaniyang susundin ang ideyolohiya ng China gayundin ng Russia na nakatakda rin niyang bisitahin sa hinaharap.
Magugunitang ilang beses binanatan ng Pangulo ang Amerika at Europa dahil sa pambabatikos nito sa mga nangyayaring patayan hinggil sa kampaniya kontra droga ng pamahalaan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
White House
Sinagot na ng Amerika ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinuputol na niya ang economic at military agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay White House Spokesman Eric Schultz, wala pa silang natatanggap na official request mula sa mga opisyal ng Pilipinas hinggil sa bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Inihayag naman ng isa pang White House Spokesman na si Ned Price na kahit putulin ng Duterte administration ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika ay hindi maikakaila na naging malalim ang samahan ng dalawang bansa sa loob ng 70 taon.
Nananatili rin anyang pinakamatatag na economic partners ng Pilipinas ang US na mayroong 4.7 billion dollar foreign direct investment.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: Reuters