Lumang retorika na para sa Human Rights Watch ang pahayag ni pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling SONA patungkol sa Drug War ng gobyerno.
Kinuwestiyon ni HRW Senior Philippines Research Carlos Conde ang commitment ng bansa sa bago nitong Human Rights Program kasama ang United Nations matapos na banggatin ng Pangulo ang itinuturing nitong “accomplishments” sa War on Drugs ng gobyerno.
Ani Conde ang tunay na sukatan ng sinseridad ng administrasyon ay kung ito ay talagang handa nang tapusin ang mga pagpatay at sa halip ay panindigan ang mga obligasyon sa pagsusulong ng karapatang pantao sa bansa.
Kasama ang iba pang organisasyon, hinimok ng HRW ang UN Human Rights Council na maglunsad ng independent investigation sa umano’y Drug War killings sa Pilipinas.