Tila ipinakikita na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito tumatanggap ng kritisismo at nais nitong patahimikin ang mga pumupuna sa administrasyon.
Reaksyon ito ni Albay Rep. Edcel Lagman sa appointment kay Kabayan Partylist Rep. Harry Roque bilang bagong tagapagsalita kapalit ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Ayon kay Lagman, iresponsable ang naging patutsada ni Roque sa mga kritiko nito na adobe at hallow blocks ang magiging ganIto sa mga puna at batikos na ibinabato sa Pangulo.
Giit ng mambabatas, dapat maunawaan ni Roque na hindi dapat ituring na pagpapabagsak sa administrasyon ang mga puna sa Pangulo dahil bahagi aniya ito ng matatag na demokrasya.