Problematic para kay Professor Danny Arao, convenor ng Kontra Daya ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi dapat maging isyu ngayong eleksyon ang katapatan ng isang kandidato.
Pinuna ni Arao na sa halip na umusad tila paurong ang pinatutunguhan ng eleksyon dahil sa mababang diskurso o ayaw pag-usapang mga isyu.
Maliban dito, tila itinuturo ng pahayag ni Duterte sa mga kabataan ngayon na hindi magandang kaugalian o virtue ang pagiging tapat.
Ayon kay Arao, lumalabas ngayon na ginagawa nang lehitimo ang fake news at na-institutionalize na ang pagsasayaw na lamang at pagkanta sa kampanya.
—-