Pinasinungalingan ng palasyo ang pahayag ni Senador Lacson na umano’y nagkaroon ng large scale corruption sa hanay ng Department of Health DOH mula sa pondong inilaan para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang kahit anong paratang ang napatuyan sa pagdinig ng senado hinggil sa isyu ng mga overpriced na personal protective equipments.
Kasunod nito, ipinunto ng opisyal na kung may napatunayan sa pagdinig sa senado, ito aniya ay ang hindi nagastos na pondo ng DOH bagay na hindi rin naman nawala.
Kaya’t para kay Roque, hindi ito maituturing na pangungurakot dahil nariyan pa rin naman pondo ng ahensya.