Walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong pahayag tungkol sa Diyos.
Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na malaya ang kahit na sino kung ano ang nais niyang sabihin lalo‘t ang pinag-uusapan ay pananampalataya.
Ayon kay Roque, wala silang pinagbabawalang magsalita kaya’t inaasahan nilang na-aangkop din ang nasabing polisiya maging sa Pangulo na malayang makapag-papahayag ng kanyang saloobin.
Binigyang diin ng tagapagsalita ng Palasyo na nagpapa-katotoo lamang ang Pangulo sa kanyang mga nais sabihin nang walang halong pagkukunwari o kaplastikan.