Bineberipika pa ng Department of Interior and Local Government ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang shabu sa Naga City, Camarines Sur na hometown ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay DILG officer-in-charge Undersecretary Eduardo Año, may mga ulat pa rin na natatanggap ang Pangulo na laganap ang drug trafficking at operation sa Naga kasama ang Cebu.
Nangangahulugan aniya ito na dapat ituon ng mga otoridad ang anti-drug operations sa Region 5 o Bicol.
Nilinaw ni Año na bagaman mayroong sariling intelligence sources si Pangulong Duterte, ipagpapatuloy ng DILG, Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang beripikasyon.