TINAWAG na ‘harassment’ ng Western Visayas Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o RTF6-ELCAC ang sunod-sunod na reklamo laban kay Presidential Communications and Operations Office Undersecretary Lorraine Marie Badoy.
Ayon sa RTF6-ELCAC, ang paghahain ng harassment suits ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF at iba pang umano’y front organizations nito ay maituturing counterattack laban kay Badoy.
Sinabi ni task force spokesperson Prosecutor Flosemer Chris Gonzales na ang mga pahayag ni Badoy laban sa CPP-NPA-NDF ay ibinabatay lamang ng opisyal sa mga pagbubunyag ng mga dating kadre ng rebeldeng grupo.