Inalmahan ng gobyerno ng Germany ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo duterte na payag itong mag-ala Adolf Hitler sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Ayon kay German Foreign Ministry Spokesman Martin Shaefer, hindi katanggap tanggap ang pag-ungkat at paghambing sa sinapit ng mga hudyo nuong panahon ng Holocaust.
Kasabay nito, inanyayahan ng gobyerno ng Germany ang kinatawan ng pilipinas na magtungo sa Foreign Ministry para sa pagtalakay ng naturang isyu.
Una rito, sinabi ng Pangulong Duterte na kung si Hitler ay nagawang pumatay ng tatlong milyong hudyo ay handa naman aniya siyang magpapatay ng tatlong milyong adik sa droga.
Tugon ito ng Pangulong Duterte sa mga naghahambing sa kanya kay Hitler dahil sa pinaigtingn na kampanya kontra ilegal na droga.
Sa tatlong buwang panunungkulan ng Pangulong Duterte, aabot na sa mahigit tatlong libo katao ang napapatay dahil sa ilegal na droga.
By Ralph Obina