Iginiit ng COMELEC na isang uri ng election offense ang vote buying.
Ito’y matapos sabihin ni Vice President Leni Robredo sa mga botante na tanggapin ang pera ang mga pulitikong bumibili ng boto, pero bumoto pa rin ng naayon sa konsensya.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez,
Hindi siya pabor sa binitiwang pahayag na ito ni Robredo.
Aniya anomang uri ng vote buying, ito man ay dahil sa kahirapan o mabuting intensyon, maituturing pa rin itong iligal.
Ani Jimenez, ang vote buying at vote selling ay maaaring mapatawan ng isang taon hanggang anim na taong pagkakakulong batay sa Omnibus Election Code.