Inulan ng batikos ang naging komento ng Malakaniyang hinggil sa lumabas na resulta ng SWS survey ng adult joblessness sa bansa.
Tinawag na kabaliwan ni House Asst. Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang naging komento ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Giit ni Castro, walang dapat ikatuwa o ikagalak sa record-high na unemployment rate na 45.5% sa bansa.
Dagdag pa ni Castro, hindi ito simpleng mga numero o datos kundi kabuhayan ng maraming Pilipino ang naapektuhan dito.
Isa lamang umano itong patunay na balewala lamang ang kalagayan ng mamamayan sa kasalukuyang administrasyon.