Tila ipinahihiwatig nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na peddelr o naglalako ng pekeng balita si Health Secretary Francisco III.
Ito ang kuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson sa dalawang opisyal makaraang sabihin ni Roque na fake news ang report na P3,629 ang halaga ng dalawang dose ng bakuna mula sa Sinovac.
Habang sinabi naman kamakailan ni Galvez na ang naturang presyo ay para sa bakuna mula sa Sinopharm.
Ito ay bagama’t mismong ang Department Of Health ang nagbigay ng impormasyon sa presyo ng bakuna ng Sinovac noong deliberasyon sa 2021 budget.
Sa kanyang privileged speech, kinuwestiyon din ni Lacson si Galvez kung bakit hindi nito masabi ang presyo at ilang mga impormasyon sa negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at Sinovac.
Iginiit ni Lacson kung hindi nasita sa pagdinig ng senado ang usapin sa presyo ng Sinovac, hindi rin malalaman ang layo ng presyo ng naturang bakuna sa Thailand kumpara sa Pilipinas.