Tinawag na iresponsable ng NPC o National Press Club ang claim ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Kaugnay ito sa sinasabi ni Andanar na ilang reporters ang nabigyan ng isanlibong Dolyar para i cover ang paglutang muli ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Ayon kay NPC President Paul Gutierrez nakikiisa siya sa mga reporters ng Senado sa pagkundena kay Andanar matapos ang nasabing pahayag nito.
Nagko cover din aniya siya sa Senado at batid niya ang mahigpit na pagsunod sa code of ethics ng mga reporters dito.
Sinabi ni Gutierrez ang pinakamagandang gawin ni Andanar ay mag sorry ito sa Senate reporters sa naging pahayag.
By: Judith Larino