Sinupalpal ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang naging pahayag ni Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang death penalty bill sa Senado.
Ayon kay Sotto, katawa-tawa ang pahayag na iyon ni Drilon bagama’t malaya naman aniya ang Senador na mangarap at managinip na hindi makalulusot ang nasabing panukala.
Una rito, sinabi ni Drilon na 13 Senador aniya ang tiyak nang boboto kontra sa nasabing panukala kapwa mula sa minorya at mayorya.
Bagama’t hindi tinukoy ni Drilon kung sino sa mayorya ang boboto kontra death penalty bill, ilan sa mga nagpahayag na ng kanilang pagtutol dito sina Senador Richard Gordon, Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay at Grace Poe.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno