Pinalagan ng ilang Senador ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes na nagiging apologist umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng Senado.
Ayon kay Majority Floor Leader Tito Sotto, hindi makatuwiran ang naging pahayag ni Trillanes dahil maaari namang magpahayag ng personal na saloobin ang mga Senador hinggil mga hakbangin sa pamumuno ng Pangulo.
Para naman kay Senador JV Ejercito, dapat matuto ang bawat Senador na galangin ang kani-kanilang kasamahan alinsunod sa umiiral na parliamentary courtesy.
Patutsada naman ni Senador Panfilo Lacson kay Trillanes, bakit daw kailangang magalit din ng ilang Senador sa Pangulo na hindi naman gusto ni Trillanes.
Sa panig naman ni Senador Alan Peter Cayetano, malaya si Trillanes na bansagan sila ng kung anu-ano basta’t alam nila na tama ang ginagawa nila para sa kapakanan ng bansa.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno