Pinatutsadahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Solicitor General Jose Calida sa naging pahayag nito na basura ang hawak niyang mga dokumento laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y makaraang ihayag ng SolGen na dapat itigil na ng Senado ang imbestigasyon nito kaugnay ng mga umano’y tagong bank accounts ng Pangulo at ng pamilya nito.
Ayon sa Senador, bakit tila nababahala ang SolGen kung sa tingin nitong basura ang mga hawak niyang ebidensya laban sa unang pamilya.
Hindi rin aniya ombudsman si Calida para sabihing ibinasura na ng Tanodbayan ang isinampa niyang kasong plunder laban sa Pangulo.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio