Ikinatuwa ng pambansang pulisya ang pagkilala ni US President Donald Trump sa kampaniya kontra iligal na droga ng Pilipinas.
Ito’y makaraang lumabas ang mga ulat hinggil sa pahayag ni Trump na nais nitong tularan ang istilo ng drug war na ipinatutupad ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, mas lalo pang gaganahan ang mga alagad ng batas na gampanan ang kanilang trabaho nang hindi naman naisasantabi ang pangangalaga karapatan ng bawat isang indibiduwal.
Magugunitang pinapurihan mismo ni Pangulong Rody Duterte si Trump dahil sa kagustuhan nitong sundan ang kaniyang yapak para masugpo ang problema ng kanilang bansa sa iligal na droga.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE