Binanatan ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Sen. Cynthia Villar kaugnay sa naging tugon nito sa panawagan ng mga medical frontliner.
Ito’y makaraang manawagan ang iba’t-ibang grupo ng mga doktor na ilagay muna sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang makahinga mula sa dagsa ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, insensitive ang naging pahayag na ito ni Villar dahil hindi nito alam ang sakripisyo ng mga health professional na halos ibuwis na ang sariling buhay para mga pilipinong tinatamaan ng virus.
Giit pa ng pangalawang pangulo, bagama’t tama naman na binibigyan ng boses ang mga ekonomista, dapat pa rin aniyang paka-tutukan ng pamahalaan kung paano nito mapabababa ang bilang ng mga nagkakasakit sa bansa.