Hindi naniniwala ang abogado ng Pamilya Mabasa sa pahayag ni dating BuCor Deputy Director for Security and Operations Ricardo Zulueta na-na frame up lang siya ng drug lords sa usapin nang pagpaslang kay Journalist Percy Lapid.
Kasunod na rin ito nang paglantad ni Zulueta sa kauna unahang pagkakataon matapos masangkot sa Lapid Case at pagpatay sa umanoy middleman na si Jun Villamor.
Sinabi ni Zulueta na galit na sa kaniya at maging sa kanyang boss na si Suspended BuCor chief Gerald Bantag ang mga drug lord dahil sa mahigpit na seguridad na pinaiiral nila sa New Bilibid Prisons para mawala na ang mga kontrabando at maging ang mga kubol.
Ayon kay Atty. Danilo Pelagio, abogado ng Pamilya Mabasa, hindi kapani- paniwala ang pahayag ni Zulueta dahil wala silang nakikitang motibo para ipapatay si Lapid na wala naman aniyang sinasabing masama laban sa mga drug lords.
Una nang inakusahan ng NBI at PNP si Zulueta na inutusan ang gang commanders na patayin sina Lapid at Villamor, batay na rin sa utos sa kanya ni Bantag.