Patay na nang matagpuan ang isang pahinante ng truck na dalawang araw nang nawawala sa lungsod ng Maynila.
Nakatali pa ang kamay sa likod ng biktimang kinilalang si Renato Puro sa ilalim ng tulay sa bahagi ng R-10 road gamit ang plastic strap.
Bagama’t walang balang narekober ang mga awtoridad sa kinaroroonan ng biktima, may nakita namang tingga na nakabaon sa noo nito.
Giit naman ng asawa ng biktima na si mary anne de luna, hindi kailanman nasangkot ang kaniyang asawa sa kalakalan ng iligal na droga
By Jaymark Dagala