Makakapagdaos na muli ang pamosong San Isidro Pahiyas Festival matapos na suspindihin ng halos dalawang taon dahil sa pandemya sa Lucban, Quezon.
Sa bisa ng clearance mula sa Department of Tourism (DOT-Tourism) promotion board muling idaraos ang Festival na magsisimula sa Mayo 10 hanggang Mayo 20 taung kasalukuyan.
Bukas para sa lahat ng mga fully vaccinated individuals at magkakaroon ng online registration para sa mga bisita na nais sumaksi ng pahiyas ngayong taon.
Mahigpit ding ipapatupad ang minimum health protocol katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) sa lalawigan.
Samantala, tinanghal ang Lucban bilang no.1 sa buong Region 4-A at lalawigan ng Quezon pagdating sa inoculation dahilan din sa patuloy na pagkamit ng zero COVID-19 cases bawat araw at mababang bilang ng mga nagpositibo sa virus. – sa panulat ni Kim Gomez