Nangangamba ang Philippine Association of Hog Raisers Incorporated o PAHRI na mahawa sa African Swine Fever sa mahigit walong milyong mga baboy sa buong bansa.
Ayon kay PAHRI Vice President Nicanor Briones, kung patuloy na maantala ang pagbibigay ng financial assistance sa mga apektadong hog raiser ay mapipilitan ang mga itong itapon na lamang ang mga patay na baboy kung saan – saang lugar kabilang ang ilog.
Simula noong Agosto 17 ay hindi pa umano nababayaran ang ilang hog raisers ng 3,000 sa kada isang baboy na apektado ng ASF.
Kaya sa halip na isuko sa mga otoridad ang mga may sakit na baboy para isailalim sa culling ay itinatapon na lamang ito dahil sa tagal ng ipinagkakaloob na ayuda.