Nakabawi ang Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang pagkatalo sa Game 1 ng 2016 PBA Philippine Cup semi-finals kontra San Miguel Beermen.
Tumabla ang Rain or Shine sa kartadang 1-1 makaraang pataubin ang Beermen sa score na 105-97 sa Game 2 ng best of 7 series semi-final series sa Araneta Coliseum, Quezon City, kagabi.
Bagaman nakalamang ang Elasto Painters ng 25 points, humabol pa rin ang San Miguel at inilapit ang score sa limang puntos na kalamangan sa huling quarter.
Pinangunahan ni Jeff Chan ang Rain or Shine sa score na 16 points sa tulong ng 13 points ni Don Trollano at 12 points ni J.R. Quinahan.
Muling magsasagupaan ang dalawang koponan sa Game 3 sa The Big Dome, bukas.
By Drew Nacino
*Photo Credit: PBA Images