Mas kinilig pa ang fans ng ‘KathNiel’ loveteam dahil inihayag ni Kathryn Bernardo na handa siyang pakasalan si Daniel Padilla sakaling alukin siya ng kasal ng aktor, 10 taon mula ngayon.
Sa naging panayam ng TV host na si Boy Abunda kay Kathryn tinanong nito ang aktres na: “Halimbawa, 10 years from now, DJ goes to you and says, ‘Will you marry me?’ Is that a yes or a no?”
Isang mabilis na ‘Yes’ naman ang isinagot ng dalaga.
Una nang inamin ng dalawa na nasa exclusively dating stage sila ngayon at mas naging bukas na sa pagpapakita ng tunay nilang nararamdaman sa isa’t-isa.
Nang tanungin kung pinagbabawalan niya si Daniel na maging close sa ibang babae, sinabi ni Kathryn na may tiwala siya kay DJ at alam nito kung hanggang saan lang dapat at kung saan ito lulugar.
Sa kasalukuyan ay busy ang dalawa sa pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN na ‘La Luna Sangre’.
Samantala, good news naman sa mga fans ng KathNiel sa South Korea, dahil nakatakdang ipalabas ang pelikulang “Barcelona: A Love Untold” sa Bucheon sa susunod na buwan.
Kasama ang nasabing pelikula sa Bucheon International Fantastic Film Festival’s (BIFAN) Best of Asia lineup, na isa rin sa highest grossing movies noong 2016 na kumita ng P321 million.