Masusi nang pinag-aaralan ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang impormasyong ibinunyag ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Kaugnay pa rin ito sa niluluto umanong red october plot ng Partido Komunista ng Pilipinas na naglalayong patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Chief, P/Dir. Guillermo Eleazar malabo ang pinalulutang ng ilan na may mga pulis na lalahok sa naturang pag-aaklas laban sa administrasyon.
Kuntento aniya ang mga pulis sa natatanggap nilang benepisyo tulad ng mataas na suweldo, atensyon at pagkalingang ibinibigay ng pangulo na siyang dahilan ng pagbaba sa antas ng krimen sa bansa.