Inatasan na ng PNP ang kanilang mga kawani na makipag-ugnayan sa Local Government Units para sa pag-live stream ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. partikular sa EDSA.
Ayon kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, partikular na tututukan ang paglalagay ng mga LGU ng malalaking led wall sa kani-kanilang lugar para sa live-streaming ng naturang aktibidad.
Layunin anya nito na ma-decongest ang paligid ng National Museum sa Maynila dahil inaasahang daragsain ito ng mga tao.
Samantala, hinimok naman ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao ang mga LGU sa paligid ng lungsod ng Maynila na ideklara ring holiday ang Hunyo 30.
Una nang nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Executive Order na nagdedeklara sa inagurasyon ni Marcos bilang special non-working holiday sa lungsod.