Iminungkahi ng Private Sector Advisory Council o PSAC kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga local at international food vloggers bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para lalo pang mapalakas ang turismo sa bansa.
Matatandaang nagsagawa ang psac meeting sa Malacañang, kung saan rekomendado ng psac tourism group ang konsepto sa pagkakaruon ng ‘Create Local and Global’ food events na sesentro sa mga pagkaing pinoy.
Binanggit na makakatulong ang mga influencers sa pagtataguyod ng mayaman na kultura at masarap na pagkaing pilipino na maaaring maging isa ring panghatak upang makahikayat pa ng mga turista sa bansa.
Nabatid na kasama rin sa mungkahi kay Pangulong Marcos ay ang maisama sa turismo ang pagkakaroon ng national o Regional Food Festivals at Food Congress. – sa panunulat ni Jeraline Doinog