Tinawag na gimik o damage control ni Senador Antonio Trillanes IV ang pakikipag-usap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian Loyd Delos Santos.
Sinabi ni Trillanes na nagtataka siya kung bakit pagkalipas pa ng mahigit isang linggo matapos mapatay si Kian bago naisipan ng Pangulo na kausapin ang mga magulang nito.
Samantala inihayag naman ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na kahit nakipag-usap sa Pangulo ang mga magulang ni Kian at kahit mag-file ng affidavit of desistance ang mga ito mahalaga pa rin ang testimonya ng mga testigo na nakakita sa pagpatay sa 17-anyos na binata.
By Judith Larino / (Ulat ni Cely Bueno)
SMW: RPE