Tinawag na walang saysay ng Department of National Defense (DND) ang apatnapu’t siyam (49) na taong pakikipaglaban ng New People’s Army (NPA).
Inihayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap ng nalalapit na ika-49 na anibersaryo ng NPA sa Marso 29.
Kasabay nito, nananawagan muli si Lorenzana sa mga NPA na ibaba ang kanilang mga armas at makipagtulungan sa pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan.
Sa nalalapit na anibersaryo ng rebeldeng grupo, pinayuhan ni Lorenzana ang mga ito na pag-isipang mabuti ang apatnapu’t siyam na taon nilang pakikibaka kung may napala sila dito at kung may mapapala pa sila sa susunod na limampung (50) taon.
—-