Aprubado sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging meeting ni Vice President Leni Robredo sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).
Sa pamamagitan ng Twitter, nagpasalamat si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kay Robredo sa naging meeting nito sa mga opisyal ng UNODC.
Aniya, sinubukan din niyang makontak ngunit hindi pinalad ang UNODC sa Vienna, Austria na nakatutok sa paglaban sa drug trafficking at hindi pagkupkop sa mga ito tulad ng sa Geneva, Switzerland.
Sinabi pa nito na maaring pagkatiwalaan ngayon ang UNODC dahil pinamumunuan ito ng isang Russian.
Una nang sinabi ni Office of the Vice President Undersecretary Boyet Dy na napag-usapan sa naging pagpupulong ng pangalawang pangulo at UNODC ang pagpapabuti sa community-based rehabilitation center.