Naniniwala ang dalawang senador na wala namang masyadong kapakinabangan ang Pilipinas sa naging pagpupulong ni Vice President Leni Robredo at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).
Ayon kay Senador Ronald Dela Rosa, ang problema sa Pilipinas ay iba sa sitwasyon ng ibang bansa tulad ng Amerika, Mexico at Colombia.
Aniya, bagamat makatutulong ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan para magtagumpay ang kampanya ng gobyerno kontra ilegal na droga, ang tunay na tagumpay nito ay nakadepende pa rin sa pagkilos ng mga operatiba sa grounds.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Tito Sotto, hindi naman pamilyar ang ibang bansa sa problema ng ilegal na droga sa Pilipinas.
Bukod dito ay hindi pa aniya malinaw ang istratehiya ng UNODC pagdating sa illegal drugs.
Una nang nagpulong sina Robredo at UNODC kasunod ng appointment ng ikalawang pangulo bilang ‘drug czar’.