Kinansela ng Egypt Foreign Minister ang pakikipagpulong kay US Presidential Adviser Jared Kushner.
Ito ay matapos na magdesisyon ang US na iantala ang pagbibigay ng mahigit sa 90 milyong dolyar na tulong nito sa Egypt.
Sinabi ni Foreign Minister Sameh Shoukry, mayroon itong negatibong implikasyon sa pagkamit ng common goal at interest ng kanilang bansa.
Tiniyak naman ni Egypt President Abdel Fattah Al-Sisi na matutuloy ang pakikipagpulong niya sa delegado ng US.
By Arianne Palma