Paghahandaan nang husto umano ng kampo ni World boxing Organization Welterweight Champion Timothy Bradley ang sagupaan nila ni Manny Pacquiao sa April 9.
Ayon sa bagong trainer ni Bradley na si Ted Atlas, magiging matinding hamon para sa kanila na talunin si Pacquiao.
Dagdg pa ni Atlas, kailangan na pag-igihan pa nila ang kanilang mga ensayo upang maging garantisadong handa sa ikatlong bakbakan nina Bradley at Pambansang Kamao.
Si Atlas ang trainer ni Bradley noong tinalo niya si Brandon Rios noong Nobyembre.
By: Avee Devierte