Itinanggi ng Moro National Liberation Front o MNLF ang balitang pakikipagkasundo umano ng kanilang grupo sa Abu Sayyaf noong magpulong ang mga ito noong Enero 10.
Ayon kay MNLF Spokesman Absalum Cerveza, hindi nila inimbitahan sa naturang pagpupulong ang grupo ng Abu Sayyaf.
Nagkataon lang aniya na kanduli o piyesta kaya’t nagkaroon ng isang pagtitipon kasabay ng paglilinaw na hindi magkakamag-anak ang mga miyembro ng MNLF at MILF.
Samantala, itinanggi rin ni Cerveza ang ulat na kanilang pinoproteksyunan ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nasa likod ng extortion at pagdukot.
By Ralph Obina