Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Environment Secretary Gina Lopez kahapon.
Nag paabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya at kaibigang naiwan sa pagpanaw ng dating Environment Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang malaking kawalan si Lopez dahil masugid itong tagapagtanggol ng environmental rights at matapang na nakipaglaban sa mga abusado sa mining sector.
Umapela si Panelo na ipagpatuloy ang magandang sinimulan ni Lopez sa DENR.
Para naman kay PETA Manager Ashley Fruno, isang animal lover, earth warrior at activist si Lopez.
Aniya, malaki ang naiambag ni Lopez kaya napalaya sa Manila Zoo ang elepanteng nagdurusa duon.
Sinabi naman ni Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera na kahit yumao na si Lopez ay tuloy pa rin ang laban para sa pangangalaga sa kalikasan.
Hindi mababawasan yung init at pag-aalab para po magkaroon ng magandang kinabukasan ang susunod na henerasyon, itutuloy po natin ang mga nagawa ni Ms. Gina Lopez,” ani Garganera.
DWIZ interview