Nagpahayag ng pakikisimpatya si Pope Francis sa lahat ng mga Pilipinong apektado ng pagbaha dulot ng mga bagyong sumalanta sa bansa.
Batay sa twitter post ng Santo Papa kasama sa panalangin niya ang Pilipinas na kumakaharap ngayon sa hirap dulot ng sakuna , nakikisimpatya siya sa mga pinaka mahihirap na pamilya at sa lahat ng mga tumutulong sa abot ng kanilang makakaya.—sa panulat ni Agustina Nolasco