Nagbitiw na sa puwesto si Pakistani Law Minister Zahid Hamid matapos ang marahas paghaharap ng mga Islamist protesters at puwersa ng pamahalaan na ilang linggo nang nagparalisa sa lungsod Islamabad.
Ayon sa Associated Press of Pakistan, isinumite ni Hamid ang kanyang resignation letter kay Prime Minister Shahid Khaqan Abbasi para maisalba ang kanilang bansa mula sa krisis.
Agad namang itinigil ng mga Islamist protesters ang kanilang pagkilos matapos ang pagre-resign ng law minister.
Sinasabing ang pagsuko ni Hamid sa kagustuhan ng naturang Islamist group ay isang malaking kahihiyan para sa ruling party na Pakistan Muslim League Nawaz.
—-