Nakapagtala na rin ang Pakistan ng dalawang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ipinabatid ni Pakistan state minister of health Zafar Mitra na kaagad siyang nagsagawa ng protocol sa dalawang pasyente.
Pinayuhan din ni Zafar ang mga mamamayan nito na huwag magpanic dahil kontrolado pa ang sitwasyon.
Kapwa maayos na rin ang kondisyon ng dalawang pasyente na ang isa ay dumating sa Pakistan mula sa Iran.
Naka-quarantine na ang pamilya ng dalawang pasyente.