Niyanig ng 6.3 na lindol ang karagatan malapit sa Pakistan.
Ayon sa US Geological Center, natukoy ang sentro ng lindol sa dalawampu’t tatlong (23) kilometro timog kanluran ng Coastal City na Pasni.
Wala pa namang napaulat na napinsala sa naturang paglindol.
Matatandaang Abril ng nakaraang taon nang tumama ang 6.6 magnitude na lindol ang hilagang silangan ng Afghanistan na naramdaman sa malaking bahagi ng Asya na ikinasawi ng anim na Pakistani nationals.
By Ralph Obina