Isinailalim na ang Pakistan sa economic crisis matapos ang malawakang pagbaha rito.
Ito’y kasunod ng matinding baha bunsod ng ilang araw na pag-ulan sa ilang lugar.
Dahil dito, nanawagan si Prime Minister Shahbaz Sharif ng tulong sa International Partners para sa relief efforts, reconstruction at rescue operation sa mga naapektuhan ng pagbaha.
Nabatid na pumalo na sa mahigit siyamnaraan ang mg nasawi kabilang na ang 326 na mga bata.
Habang nasa mahigit 1000 at 300 naman ang naitalang nasugatan.
Maliban dito, nawasak din ang nasa 95 thousand 350 na mga kabahayan at 100 at 29 na mga tulay dahil sa pagbaha.