Inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa isang Pakistani na nadakip kahapon.
Kinilala ang suspek na si Shahzad Khan alyas Salman Khan na naaresto sa barangay San Isidro General Santos City.
Si Khan ay hinihinalang miyembro ng El Patron Drug Group na nag-ooperate sa Central Mindanao at konektado sa ISIS-inspired group na Anzhar Al-Khilafa Philippines.
Nakumpiska rin kay Khan ang isang ledger na naglalaman ng mga bank deposit slips, money trails at iba pang dokumento.
—-