Patay ang isang Pakistani diplomatic official matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin malapit na bahay na tinuituluyan nito sa Jalalabad Afhganistan.
Ayon sa pahayag ng Pakistan Foreign Ministry, kanila nang ipinatawag ang Afghan Charge d’ Affairs sa Islamabad para kondenahin ang insidente.
Kanila ring hiniling ang pagpapalakas sa seguridad ng mga opisyal at tauhan ng Pakistani diplomat sa Afghanistan.
Ang insidente ng pamamaril sa nasabing diplomat ay naganap halos isang linggo lamang matapos ang insidente naman ng pagsukot sa Deputy Governor ng Kunar Province Afghanistan malapit sa siyudad ng Peshawar sa Pakistan.
—-