Naaresto sa Parañaque City si Muhammad Norman ang Pakistani national na hinihinalang bahagi ng international drug ring na nag-ooperate sa Metro Manila at sa Gitnang Luzon.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 Director Gladys Rosales, kanilang nadakip si Norman sa isang buy bust operation sa isang grocery sa Parañaque, matapos ang ilang test buy mula sa dayuhan.
Nakuha mula kay Norman ang 2,000 tableta ng mogadon na kilala din bilang nitrazepam, isang gamot na mayroong sedative at motor-imparing properties.
By Katrina Valle