Nagbitiw sa puwesto si Pakistani Prime Minister Nawaz Sharif matapos itong i-disqualify ng Supreme Court sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Iginiit ng mataas na hukuman na hindi naging tapat si Sharif sa Parliament, gayundin sa Judicial System kaya’t hindi na ito dapat manatili sa kanyang posisyon.
Una nang nabunyag ang mga ari-arian ng pamilya ni Sharif sa nag-leak na ‘Panama Papers’.
Bagama’t wala ang pangalan ni Sharif sa mga natuklasang dokumento, iniugnay naman dito ang kanyang mga anak, lalo na sa mga malalaking kompanya.
- Gilbert Perdez