Wala pang naisusumiteng notice sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamunuan ng Philippine Airlines kaugnay sa pag lay off sa mahigit 2,000 empleyado nito.
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III dahil kailangang patunayan ng PAL na talagang kailangang tanggalin ang mga nasabing empleyado.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na kailangan ang isang buwang notice na maisumite sa DOLE na siyang titiyak na maibibigay ang mga benepisyong dapat makuha ng mga tatanggaling empleyado kapag naaprubahan na ang notice of termination o retrenchment mula sa PAL management.
Una nang napaulat ang mahigit 2,000 empleyado ng PAL na tinanggal sa trabaho ngayong buwan.
Magsa-submit pa sila ng notice sa amin, doon sasabihin kung anong dahilan, kung ilan maaapektuhan, at ano yung mga benefits syempre titiyakin natin lahat ng mga benefits ng mga empleyado nila na matatanggal ay matatanggap ng mga manggagawa. Kapag walang valid reason for the dismissal, termination kailangan may dahilan saka kailangang valid,” ani Bello.