Handa ang Philippine Airlines o PAL na pumasok sa isang compromise agreement para sa kanilang hindi nabayarang buwis.
Ayon sa PAL, babayaran naman nila ang kanilang tax liabilities basta’t magkaroon maayos na negosasyon.
Inihayag ng Department of Transportation na aabot sa 7.2 billion pesos as of September 26, 2017 ang utang sa gobyerno partikular sa Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority ng official flag carrier ng bansa.
Sa katunayan ay nagpadala na ng liham si Transportation Secretary Arthur Tugade sa PAL upang igiit ang “full payment” ng lahat ng unpaid charges.
Magugunitang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang business tycoon at PAL owner na si Lucio Tan na ipasasara ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 na 18 taon ng ekslusibong ginagamit ng naturang airline, kung hindi magbabayad ng utang.
—-