Magbabawas pa ng mga empleyado ang Philippine Airlines at iba pang airlines para hindi na madagdagan ang lugi habang wala pang kita.
Ito ayon kay Roberto Lim, executive director ng Air Carriers Association of the Philippines ang plano ng mga airline sa gitna na rin nang patuloy na pagharap ng mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Partikular na tinukoy ni Lim ang target ng pal na makapag tapyas pa ng 30% sa workforce nito bago matapos ang taong ito.
Binigyang diin ni Lim na walang kinikita ang airline companies ngayon kaya’t tuluy tuloy ang pagtatanggal ng mga tao at paghahanap ng iba pang cost cutting measures para maka-survive at hindi magsara ng operasyon sa panahon ng pandemya.