Kinansela ng Philippine Airlines ang ilang byahe ng kanilang mga eroplano papuntang Japan at Taiwan ngayong araw.
Itoy dahil sa Supertyphoon Paolo na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility at tinutumbok ang Japan.
Kabilang sa mga kinanselang flights ang mga byahe mula Maynila papuntang Taipei, Kansai, Nagoya, Narita at Haneda.
At ang mga byahe mula Cebu patungong Kansai, Nagoya, Narita.
Kanselado rin ang ilang mga flights ng Philippine Airlines mula Japan patungong Pilipinas.
Ayon sa pamunuan ng PAL, maaaring mag-rebook o mag-refund ang mga apektadong pasahero ng walang multa bastat hindi lalagpas ng isang buwan mula sa kanilang original flight schedule.