Magkakaloob ng special flights ang Philippine Airlines para sa mga pasahero na na-stranded matapos makansela ang lahat ng flights na patungo at mula sa mainland China dahil sa novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Batay sa anunsyong ipinalabas ni Cielo Villaluna, PAL Corporate Communications, isasagawa ang special flights sa Lunes, Pebrero 10, 2020.
Inaasahan aniyang makatutulong ang inbound flight mula sa Xiamen sa mga Pilipino at may hawak ng Philippine permanent resident visa na makabalik sa Pilipinas habang ang outbound flight naman mula sa Manila para sa mga Chinese at non Filipino national sa mainland China.
Gayunman nilinaw ni Villaluna, na kailangan pang ipa-apruba sa gobyerno ang nasabing mga special flight.