Aabot sa 2,300 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang naapektuhan ng reduction program na ipinatupad ng kumpanya.
Ito’y dahil sa patuloy na pagbaba ng travel demand sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PAL President Gilbert F. Sta. Maria, 30% ng kanilang workforce ang naapektuhan kabilang na rito ang voluntary, separations at involuntary retrenchment.
Magtatagal sa kumpanya ang mga apektadong empleyado hanggang March 2021.